ThinkExist.com Quotes

Wednesday, November 22, 2006

sarap talagang maging estudyante no, but then again.

sarap talagang maging estudyante no? yung tipo bang gigising ka sa umaga tapos hihingi ka lang ng baon, yung kontrollado mo yung oras mo. ngayon kasi iba na e. tulad ngayon. asa opisina pa ako. haay

mahirap ang trabaho, wala pang araw na hindi ako umiwi ng lagpas na ng alas-singko y medya dito sa opisina at syempre iba talaga yung buhay na alam mong pag-gising mo may baong nag-aantay sa yo. Yung buhay estudyante ba. Tsaka iba talaga yung feelign na pag pasok mo masaya ka kasi kasama mo yung mga kaibigan mo at yung minamahal mong jpia. Haay.. ang sarap talagang maging estudiante.

Pero narerealize ko na rin na kailangan ko ng tumanda. Na tumayo sa sarili kong paa at maging responsable para sa sarili ko at sa pamilya ko. Iba kasi yung pakiramdam na alam mong nakakatulong ka na sa bahay. Na napapagaan mo ng kaunti yung buhay ng mga magulang mo. At higit sa lahat, masarap ang pakiramdam na ipagmalaki ng pamilya mo.

Masarap maging estudyante, ngunit ang sarap nya ay hindi makukumpara sa sarap ng pagiging responsable. Parehong masarap ng karanasan ngunit iba ng pakiramdam. Labo no, yaan mo, pag nagtrabaho ka na maiintindihan mo rin yan. At kung nagtratrabaho ka naman, sigurado ako naiintindihan mo ako. Hehehe..